TULA
Isang pagbabagong hugis sa buhay --- isang paglalarawan ng buhay na hinanap sa guniguni, na ipinanarating sa ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang nag-aangkin ng tumpak na aliw-iw at lalong mainam kung sa mga sukat at taludtod.
--Alejandro Abadilla
Ang durungawan ng katotohanan at kagandahan.
--Alip
Ang lumalagom sa kabilang daigdig at iniuugnay ito sa ibang mga sining.
--Monleon
ANG PANAHON NG PAGKAKAUNLAD NITO
Ang Matandang Panahon
Sa-anoy kung tawagin ang panahong ito ng mga taga-Bikol. Anoy na ang ibig sabihin ay anay. Ang anumang bagay, gaya ng isang haliging kahoy, dala ng katagalan o katandaan sa kinatitirikan ay di-maiiwasang pamahayan at kutkutin ng anay, kaya nadudurog, napupulbos at hindi pinagyaman maglalaho ang mga itosa ihip ng hangin. Ganito ang nangyayari sa Panitikang Filpinio sa matandang panahon.
Ito ng panahong ng kapaligiran ng Pilipinas ay nasasaplutan pa ng mahihiyas na kalikasan at nakokoronahan pa ng maguniguning pananaw ng ating mga ninuno. Ito ang panahon noon…noong matagal na matagal pa bago dumating ang mga Kastila… oonng ang langit ayon sa alamat ay mababa pa, noong mga anito at kalikasan pa ang sinasamba, noong ang matulaing kapaligiran ay di pa sinasalanta ng tinatawag ngayyong kabihasnan.
Ito ang panahon ng karunungan o kaalamang-bayan. Ang ating mga ninuno, sa abot ng kanilang mahuna-hunang kaisipan at mapaghulong kakayahan, at sa tulong na rin ng kanilang payak na karanasan sa mga sinauna nilang pakikibakasa buhay, ay natutong bumalangkas ng matibay na pundasyon para sa ikagaganyak, ikapapanatag, ikapapanatili, at ikapapakinabang ng kalahatan. Ito ay pagbibigay-kahulugan, pag-iinterpreta, pagpapaliwanag at pagpapakabuluhan sa lahat ng mga nangyayari o nararanasan sa pang-araw-araw nilang pamumuhay, sa mga pangyayaring nagaganap sa makipot pa nilang daigdig, sa mga bagay-bagay na abot-tanaw lamang nilang nasasaksihan sa kalawakan, sa mga pagbabagong napupuna nila sa kanilang sarili at lipunan. Pinaunlad ng mga ito ang kanilang pamumuhay. Pinalalim ng mga ito ang kanilang pag-iisip at pag-unawa. Hinubog ng mga ito ang kanilang pagkatao. Pinalaganap ng mga ito ang kanilang kultura.
Nagkaroon nga sial ng sapat nakaalaman at nakabuo sila ng tiyak na mapanghahawakang panuntunan sa kanilang sarili at sa kanilang salinlahing noon ay pinagyaman. Ito ay magsisilbing gabay o utos upang kahit papaano ay maging matuwid ang tatahakin nilang kinabukasan. Ang mga napagtibay nilang karunungan o kaalamang ito ay itinadhana nilang kabatiran na tanging ang bayan ang nagmamay-ari at tagapagmana na magpahanggang sa kasalukuyan ay patuloy na pinanununtunan upng lumaganap pa sa mga henerasyong daratal.
Isa sa mga kaalamang-bayang ito na magpahanggang ngayon ay sinisikap na maisalinlahi ay ang panitikan na napapangkat sa tatlong tradisyon. Isa sa mga tradisyong ito ay humitik noonsa pamamagitan ng bibig. Ibig sabihin hindi binubuklat sa mga pahina kundi binabalikang alaala. Sa isang sabi, binibigkas lamang at natutuhan na.
v Ang Tradisyong Patula
Nahahati sa dalawang kategorya ang tradisyong ito: hindi inaawit at inaawit. Ang unang
kategorya ay tinatawag na panugmaang-bayan at ang ikalawa, kantahing-bayan
A. Ang Panugmaang-bayan
Ang anyo nito ay daludturan o dadalawahing taludtod lamang, dili kaya’y apaludturan o aapating taludtod lamang ang bumubuo sa isang saknong. Bawat taludtod ay may sukat--- may bilang ang pantig na ang hulihan ay magkakasintunog---tugma.
Nahahati sa tatlong uri ang kategoryang ito: Tugmaang Walang Diwa oTugmaang Pambata, Tugmaang Matatalinghaga, at Tugmaang Ganap na Tula.
1. Ang mga Tugmaang Walang Diwa o Tugmaang Pambata
Sinasabing ito ang pinagmulan o pinag-ugatan ng tula. Ang mga salita ay tila larong-bibig na pangkasanayan ng mga bata sa pagsasalita. Maririkit ang pananalitang ginagamit sa payak nitong kaanyuang sukat at tugma. Lamang tila ba gahol ito sa kahulugan. Walang talinghaga. Basta bukambibig magpahanggang sa ngayon. Kung hindi naman, nagtataglay ng kahulugan kaya lang mababaw. Maririninig natin ito kapag ang isang ina ay naaaliw sa kanyang paslit at palagian sa mga batang naglalaro sa bakuran o sa daan. Layunin marahil sa bagay na ito ang mga sumusunod: pampatuwid ng dila nang ang bata ay di-mautal pag nagsasalita; panunudyo ng mga nagkakapikunang bata sa laro; pang-alo sa nagmamaktol na paslit; at pansabi-sabi sa mga nagmamasid sa kapaligiran.
Ang mga tugmang pambatang ito ay tinatawag ding
kasabihan, sa Ingles, Mother Goose Rhyme. Kaya huwag natin itong
ipagkamali sa salawikain o sabi-sabi, dahil iba naman ang
ipinakakahulugan nito.
2. Ang mga Tugmaang Matatalinghaga
Sinasabi sa Landasin sa Panulaang Tagalog (Pamana ng Panitikang Filipino) na ang panulaang Filipino ay nagsisimula sa anyo ng bugtong, salawikain, at iba pang awiting bayan na sa kalikasan at sa buhay sa araw-araw humango ng mga paksain. (Arrogante et. al, 1983) Maiikli lamang ang mga ito, madadalumat at matatalinghaga. Tulad na lamang ng sawiakin na mga parirala pero naglalarawan na at naglalahad ng kahulugan. Ang mga bugtung, salawikain, at sai-sabi, at sabi-sabi pa kaya na mga ganap na pangungusap at nagtataglay ng buong kaisipan ang hindi magtaglay ng higit na mas malalim na kahulugan? Ang mga bugtong ay karaniwan nang daludturan, magkaminsan ay apaludturan. Gayundin ang mga salawikain at abi-sabi. At kapag may paglalarawan, may imaheng nakikita. Madalumat ang tawag ditto. At kapag sa larawang ito ay may nahuhulong hunahuna at may nasasmbot na kahulugan at kabuluhan, matatawag itong matalinhaga. Talinhaga na kung tawagin noon ng mga mananaliksik na Kastila ay misterio at matafora. Sa mga panugmaang ito, nasasalamin na tunay na mga saloobin at kaisipan ng mga ninunong Pilipino
3. Ang mga Tugmang Ganap na Tula
Sa uring ito nabibilang ang Tanaga ng Katagalugan at ang Ambahan ng mag Hanunuo Mangyan ng Mindoro. Sa pagkakahulugan ni Juan de Noceda at Pedro San Lucar sa Vocabulario de la Lengua Tagala, ang tanaga 1) isang uri ng tulang nakapataas sa wikang Tagalog, na 2) binubuo ng pitong pantig ang bawat taludtod, 3) may apat na taludtod sa bawat saknong, at 4) ito’y hitik sa talinghaga (Arrogante, et al., 1983)
Samantalang ang ambahan naman, ayon sat ala ni Padre Antonio Postma, ay 1) isang maritmo o maindayog na patulang pagpapahayag na may sukat at may bilang na pitong pantig ang bawat taludtod na may tugma; 2)ito’y isinasaawit nang walang tiyak na tono o akompanya ng anumang instromentong pangmusika; at 3) ito’y naglalayong makapagpapahayag sa matatalinhagang paraan sa malayang paggamit ng matutulaing pananalita, ng mga katangi-tanging kalagayang tinutula ng makata.
B. Ang Kantahing-bayan
Ang mga popular na katutubong awiting naririnig nating inaawit sa mga nayon tuwing may okasyong idnaraos, tulad ng kasalan, pagpapatanim, paglalamay sa patay, atbp. Wala itong ipinagkaiba sa tula dahil kung ito’y susuriin, may sukat ito’t tugma, lamang isinasatinig o isinatono,
May dalawang uri ng kantahing-bayan: kantahing bayang di-gaanong nagsasalaysay at kantahing bayang nagsasalaysay. Sa unang uri, mapupunang ito’y maiikli lamang, karaniwan ang mga ito’y naglalarawan lamang ng mga pang-araw-araw na sitwasyon o okupasyon n gating mga ninuno.
Nabibilang sa hating ito ang mga sumusunod:
1) Oyayi o hele o duayya sa Ilokano - ito ang awit sa pagpapatulog ng bata. Malambing ang himig nitong monotono at maulit ang lirik subalit makahuludan.
2) Kalusan - Ang awit sa paggawa. Maaaring awitin ito habang nagtatrabaho o kaya pagkatapos ng trabaho. Sa pamamangka, ito’y tinatawag na talindaw at habang nagsasagwan, ang awit ay tinatawag na soliranin.
3) Kundiman - ito ang awit ng pag-ibig. Noong araw uso ang harana, ang mga awit na kinakanta ng binatang nanunuyo sa dalagang sinisinta. Kung minsan punung-puno ang awit ng pangarap at minsan nama’y walang kasing lungkot dahil sa binatang di agad natutugon ang pag-ibig ba idinudulog, o kaya’y kapag nasisisphayo. Maraming uri ng pag-ibi ang maaaring paksain ng kundiman. Pag-ibig sa Diyos, sa bayan, sa mga magulang, sa kapatid, sa kapwa maging sa kaaway, sa gawain, sa halaman at sa kung saan pang iba. Sa Ilokano, kung tawagin ito ay Pamulinawen, sa Bisaya ay Balitaw, sa Negrito ay Uso.
4) Diona – ito ang awit sa kasal.
5) Kumintang o Tikam o Hiliraw o Tagumpay – ito ang awit na pandigma. Inaawit ito sa gabi sa saliw ng biyolin at gitara. (Cuasay, 1973) ibinibilang din itong isang uri ng kundiman na nagpapahayag ng pag-ibig sa bayan.
6) Dalit o Himno – ito ang awit sa pagsamba sa mga anito. Ngayon kilala na ito bilang mga awiting panrelihiyon.
7) Dung-aw – ang awit sa patay o pagdadalamhati. Habang nakaburol ang patay, isa sa mga mahal nito sa buhay ang maaaring umawit para purihin ang namatay. Iniisa-isa rito nag mga nagawa nitong kabutihan noong nabubuhay pa. karaniwang pagtawag kung ito’y aawitin dahil parang buhay pa itong kinakausap. Ang himig nito’y nakalulunos dahil sa sobrang panglaw ng panambitan. Ayon kay Jose Villa Panganiban, ito’y walang tiyak ng lirik sapagkat ang awit ay iniaayon s kasalukuyang damdamin ng umaawit.
8) Umbay – ang awit ng pagkaulila. Ang himig at tema nito ay nagpapaawa sa kawalan ng nagmamahala o kumukupkop na magulang.
9) Kutangkutang o Rawitdawit sa Kabikulan– ang awit ng mga lasing oi awit sa lansangan na naglalayong magpatawa, magpasaring o manudyo. Ang tono ay luma pero ang lirik ay panagu-bagoayon sa hinihingi ng pagkakataon. Marami sa awiting ito ay may bahid- berde o patungkol sa seks namaaaring isipin ng konserbatibong tagapakinig na malaswa.
10) Ditso - ang awit sa paglalaro ng mga bata. Mga kasabihan itong isinasatono ng malalarong bata.
Ilan lamang ito sa mga kilalang katawagan ng mga uri ng kantahing-bayan. Ang ikalawang uri ay mapupunang mahaba-haba o sadyang may kahabaan na talaga. Maaaring isang pangyayari lamang ang tinunton ng awit o maaari rin namang kawing-kawing. Sa una nabibilang ang mga balada, sa ikalawa, ang epiko. Madetalye ang pagkakakuwento sa mga ito at likas na nagbibigay-aral, kaya madula’t malaman. Maaaring ito’y tungkol sa isang karaniwang tao lamang o maaari rin namang tungkol sa isang katutubong bayani.
Epiko – ito ay isang mahabang salaysay sa anyong patula na maaaring awitin o isatono. Ito ay hango sa pasalindilang tradisyon tungkol sa mga pangyayaring supernatural o kabayanihanat may layuning seryoso dahil kinapapalooban ito o pinahahalagahan ditto ang mga paniniwala, kaugalian saloobin, at mga mithiin sa buhay ng mga tao. (Dr. Arsenio Manuel, 1963)
Ang Panahon ng Kastila (1565-1898)
Taong 1521 nang dumating si Ferdinand Magellan sa Homonlon. Nakipag-isandugo siya kay Kolamu, raha ng Butuan, at itinanim niya ang krus sa Masao. Malalim ang naging kahulugan nito sa utak ng mga Pilipino. Ito’y nagsisilbingisang mabigat na pangitain na lalakaring paluhod ng kapilipinuhan ang isang libo’t isang misteryo, na babalingan ng magkabilang pisngi ng kapilipinuhan ang isang libo’t isang milagro.
Nagkatotoo ang mga ito. Nagsimula nang manakot si Legazpinoong 1565. Tumulay sa dalawang panlabas na layuninang pananakop. Una, gamitin ang relihiyon para makapangurakot. Natupad din ang mga ito. Nang mapalaganap ang Kristiyanismo, napuno ang bulsa ng mga kura paroko, nangamkam ng lupa ang mga enkomiyendero, nagkaroon ng mga tinatawag na bastardo. Nang maedukahan ang mga Indio, nagkaroon ng mga tinatawag na Ilustrado, nagging tuso ang gobiyerno, nagutom ang tao.
Siyempre pa, lumago ang panulaanang mga temang pansimbahan, pangkagandang-asal, pang-aliw, at pantakas sa sitwasyong paralitiko. Sinimulan ito ng mga pari. Sinundan ng mga Ladino at maghanggan sa pantasyang mga romantiko na nagpalaganap ng mga awit at korido.
Ang awit, tulad ng BUhay ni Sigesmundo, Doce Pares sa Kaharian ng Francia, Prinsipe Igmidioat Prinsesa Cloriana, Salita sa buhay ni Maria Alimango, atbp; at ang korido, gaya ng Ang Haring Patay, Ibong Adarna, Don Juan Teñoso, Dama Ines, Prinsipe Florino, atbp; mga kasaysayan hango sa mg alamat at epiko ng francia, Italia, Espanya, Gresya, Albania, atbp. Naglalahad ang mga ito ng mga pangyayaring pangkabayanihan, pangkahiwagaan, panromansa na pawing di-kapanipaniwala. Mahahaba ang mga teksto nito. Pakanta kung bigkasin o basahin, naglalayaong mapalaganap ang Katolisismo.
Bagamat magkatulad na magkatulad ang dalawang ito, may mga katangian din naming nagkakaiba:
1) Ang awit ay higit na matayog sa diwa may pagkakataong humhango ito ng pangyayari sa tunay na buhay.
2) Ang talutod ng awit ay may 12 pantig, apat na taludtod sa isang saknong; samantalang ang korido ay may 8 pantig , limang taludtod sa isang saknong.
3) Marahan o andante ang kumpas sa pagkanta ng awit kaya malungkot; samantalang mabilis o alegro ang korido kaya masaya o maindak.
Ang Panahon ng Amerikano (1898-1941)
Tinulungan kunwa at pinalaya ng Amerikano ang Pilipinas sa kamay ng mga Kastila.
Bawat puhunan ay dapat tumubo. Sa Treaty of Paris, Disyembre 10, 1898, napagkasunduang bilhin ang Pilipinas ng Amerikano sa Espanya. Saka ngayon lumabas ang tunay na kulay at pakay ng mga Amerikano. Sa simula, pinalaganap ang sistemang tutule. Dahil sa ang mga Indio ay mangmang, wala pang gaanong alam sa pamamalakad ng gobiyerno, kinakailangan silang turuan ng tinatawag na Demokrasya. Sa gayon, kapag handa na, ibabalik na sa kanila ang kalayaan. At habang nasa punto pa lamang ng pag-aaral, ang paternalismo ay dapat mamayani. Ito ay ang pagtinging mataas sa Amerikano sapagkat superior ang kanilang lahi, higit na maalam sa lahat ng bagay. Tatayo itong ama, tulad ng sa Espanya na itinuring na ina ng Pilipinas, kaya dapat igalang at pagpalain.
Ngunit lalong sumahol pa sa panahon ng Kastila ang nagging sitwasyon. Noon, mga mangmang na Indio lamang ang mga Pilipino kung tawagin. Ngayon, higit na bumaba ang katayuang-tao noto, nagging mga baoy-damo. Basta binabaril munting kaloskos sa damo. Nagkahimagsikan muli. Itak ng mga Pilipino laban sa mga baril at kanyon ng mga Amerikano. Nagsimulang maghasa ang mga Pilipino ng mga itaknang malinlang sila sa pagtatanggol noon sa Maynila na nabalewala ang mga nabuwis na mga buhay nang hindi sila kasali sa tagumpay. Kiskis na pinasiklab ng isang insidente sa may tulay ng San Juan nang barilin ng isang sundalong Amerikanoang isang Pilipino.
Sa panahong ito, pawing pasaring sa kalaban, panunulak-galit, at pamumuong-nasyunalismoang nilalaman ng panulaan.
Makalipas ang pamumuyos, napayapang muli ang kalooban. Umalsa ang maroromansang ideya. Nabalingan ng panulat ang kalikasan, ang tao, ang pag-ibig. Datapwat may pabugsu-bugsong tema sa paghahangad ng kalayaan.
Ang Panahon ng Hapon (1942-1945)
Masaklap ang buhay sa panahong ito. Gutom at kawalang –katiyakan sa buhay o kawalang pag-asa sa kinabukasan ang namayaning kalagayan at damdamin. Dumagsa ang mga manunulat masahiran lamang ng mainit at masarap na sabaw ang lalamunan.
Namulaklak ang panitikang Tagalog s autos ng Hapon na gagamitin ang sariling wika sa panulat. Ang buhay-lungsod ay nabawasan para di-makasaling ng amor propio ng mga Hapon, at pawang kahirapan at kaapihan ang mababalingan. Tumakas ang panulat sa nayon, nagging katutubo ang kulay. Nagkaroon ng puwang sa papel ang kalabaw, ang bukid, ang magsasaka. Anupat gipit man ang kalagayan, ang pag-obig ay naging nasa isip. Dili kaya ay magbalik sa pagkabata, sa kamusmusan bilang pagtakas sa realidad. Hindi rin nawalang tema ang pagkamakabayan. Siyempre, lagging may gerilya sa bawat digmaan.
Sa panahong ito, natuto ring Gagarin ng mga manunulat ang Haiku ng mga Hapon. Maiikling tulang labimpituhing pantig lamang at binubuo ng tatlong taludtod. Ang unang taludtod ay lima, ang gitna ay pito, at ang huli ay lima rin. Ang kagandahan ng uri ng tulang itoay nakasasalalay sa mga ipinahihiwatig na imahen nito at sa malalim na kahulugangtaglay ng talinghaga.
Haiku sa ikli. Lamang aapating taludturan ang mga ito. Ang bawat taludtod ay binubuo ng tigpipitong pantig. Ito’y ubod din ng talinghaga.
Ang Panahon ng Republika (1946-kasalukuyan)
Masaalimoot na pangyayari ang mga naganap sa panahong ito. Sa simula’y pagtatayong muli ng nawasak na moog. Ang mga salantang nilikha ng digmaan, ang alaala ng mga nasawing mahal sa buhay, ay mga pangitaing nagpapabuntung-hininga. At para mabuhaya, ang piyer ay naging mapangako. Ang mga kabiguan ng pangarap, ang kalupitan ng nagdaang sigwa, at iba pang masasaklap na karanasan, ang namalasak sa katha.
Ang dekad 50 ay nangako ng kasiglahan sa panulaan. Nagkaroon ng mga patimpalak sa pagsulat ng tula at iba pang anyo ng panitikan. Tumaas ang panlasa sa pagsulat ng mga mangangatha. Kabuntot nito ang pagtaas din ng uri ng panitik. Ito’y dahil din sa pag-g-.uukol ng masusing pag-aaral at panuuri ng mga kritiko. Nagging maingat ang paglalahad, nagging lalong makasining. Ang lahat ng ito ay utang sa mga alagad ng wika na walang puknat sa pagpapaunlad ng Wiakng Filipino. Ito’y ang KADIPAN(Kapisanang Akalt, Diwa at Panitik) at ang Gawad Palanca na itinatag ni Don Carlos Palanca, may-ari ng La Tondeña Inkorporada.
Kailanman, ang paksa tungkol sa pag-ibig ay hindi maglalaho sa anumang panulat. Kaakibat nito ang temang pangkaranasan na naglalahad ng matinding damdamintulad ng labis na kalungkutan, pagkapoot na dulot ng buhsy, tao at kalikasan.
Ang dekada 60 naman ay panahon ng pagkabagabag at pagbibinhi ng aktibismo. Ang lipunan ay nagiging marumi at ito’y lantaran nang napapansin ng tao. Magulo ang kapaligiran. Naghahanap ang tao ng kanyang identidadat ito’y makikita sa pagsulpot sa tinatawag na “Hippie,” isang uri ng pagrirebelde ng tao sa kinalakhan niyang kombensyon. Samantala, patuloy ang katiwalian ng gobiyerno na pinaghaharian ng mga “Satanas ng Lupa” na nagpaluklok sa Kongreso at Senado. Maging ang simbahan at relihiyon ay kinapapansinan na rin ng bula. Ang mga tahananay nagkakaroon na rin ng gatla.
Ang dekada 70 naman ay duamting ng tigmak sa dugo. Maraming braso ang nagkawing-kawing. Maraming kamay ang humawak sa pulang plakard. Nauso ang mga barikada. Maraming bumulagtang buhay sa kalsada. Bumaha ang sigaw ng Mendiola. Ang lahat ay dala ng pulitika.
Nang nasa “Mga Kuko ng Liwanag” ang Maynila, ibinaba ang Batas-Militar. Hinablot sa tao ang kanyang karapatan sa “Habeas Corpus’ para iparinig ang mga hinaing sa buhay. Maraming nasilid sa bartolina. Marami ang basta na lamang nawala. At ang pananahimik kunwa ng madla, sa sapilitang pagpaptikom ng bibig ay tinatawag ng Bagong Lipunan, ang Green Revolution na ang kahulugan ay nanghanggan lamang sa harap ng telon sa sinehan ng PICC (Philippine International Convention Center). Hurrah! Sa pelikulang Virgin People ni Celso ad. Castillo.
At lumuha ang mga buwaya…sa din a mapigil na panginginain, sa kahayukan ng dugo…nakuhang pumalag ng masa…at sa Edsa…nagkaisa anglakas ng sambayanan para paalisin ang mga ito sa kati…isang buwan ng Pebrero taong 1986.
INTRODUKSYON
Ang tao ay maraming nakikita sa paligid, maraming napakikinggan, at nararanasan. Mga pangyayaring tumatak sa kanyang isipan, nag-iiwan ng bakas kaya’t di niya malilimutan. Sa kanyang pagmuni-muni, ang mga ito’y kanyang inilalarawan sa isang masining at malikhaing pamamaraan. Inihahayag niya ang sariling damdamin nang malaya at karaniwang ipinapakita sa pasulat na paraan. Gamit ang mga naglalarawa’t matatalinghagang salita, nailalabas niya ang nasa puso’t isipan. Isang akdang tumatalakay, naglalahad ng buhay ng tao’t mga pag-ibig. Ang tula, isa sa mga akdang pampanitikang humuhubog sa malikhaing isipan. Ang paglikha nito ay maituturing na obra maestra ng damdami’t kaisipan.
Ito’y masasabi ring kalipunan ng nakaraan, nalalaman ng kasalukuyan ang mga pangyayaring nagaganap sa mga panahong nagdaraan. Isang malikhaing gawa ng tao na kapupulutan ng aral. Isang malikhaing gawa ng tao na nagbibigay kasiyahan. Isang malikhaing gawa ng tao kaya’t ito’y may pinagmumulan.
Ang tula rin ay isa sa mga bintana ng nakaraa’t pintuan ng kasalukuyan, nagpapakita ng kultura’t kabuhayan ng mga taong nabubuhay sa nakaraang panahon, ng mga taong nabubuhay sa bagong panahon.
Sa paglilikom na ito’y makikita pinagmulan ng tula, malalaman ang kayamanan ng isipan---mga bugtong, salawikain, tanaga, tugmaang pambata atbp. Malalaman mga mahahalagang pangyayaring naganap sa nakaraan.
PASASALAMAT
Nais kong ipaabot ang taos-puso kong pasasalamat sa mga tumutolong sa akin upangmaisagawa ko ang paglilikom na ito. Dahil sa inyo’y nakalagpas ako sa pagsubok na aking naranasan.
Una sa lahat nagpapasalamat po ako sa panginoon na nagbibigay sa akin ng magandang kalusugan na pangunahing dahilan upang mabuo ang paglilikom na ito. Sa pagbibigay nya ng talino’t lakas na isang napakalaking tulong sa akin. Sa aking magulang na walang sawang nagmamahal sa akin, walang sawang sumuporta sa pangangailangan ko, Dahil sa pagmamahal na inyong ibinigay at ipinadaramasa akin, na nagbibigay ng lakas. Sa aking mga tapat na kaibigang tumulong sa akin sa paghahanap ng aking mga kakailanganin at sa pgpapahiram ng mga kagamitang naging isang malaking tulong upang mabuo ang pag lilikom na ito. Sa mga tong may akda ng mga librong aking ginawang sanggunian. Taos-puso po akong nagpapasalamat sa lahat.
DEDIKASYON
Ang paglilikom na ito ay aking iniaalay sa mga minamahal kong mga magulang at sa mga kaibigang tapat. Lagingg nasa likod ko’t handang sumuporta at tumulong sa akin, mga kaibigang sa hirap at ginhawa‘y andyan dumadamay sa malungkot na bahagi ng aking buhay. Tumurulong malutas ang mga suliranin,kasalo sa bawat halakha’t kasiyahang nadarama.
Sa aking magulang na patuloy akong minamahal at inuunawa at nagbibigay ng suporta. Naghihirap upang maibigay lamang ang aking mga pangangailangan, nagtitiis sa ilalim ng mabagsik na araw. At tinitiis ang pagod ng mga paa’t katawan upang makabahigi ng tulong sa mga dapat kong tapusin; mga gawaing hinihingi ng aking asignatura.
Sila ang mga taong pinaghuhugutan ko ng lakas sa bawat suliraning aking pinagdadaanan, sila ang mga tunay na nagmamalasakit sa akin. Ito ang produkto ng ating hirap, pagsisikap at inspirasyon.
MGA TULA SA IBA’T IBANG PANAHON
Ang Matandang Panahon
A. Panugmaang-Bayan
Ang anyo nito ay daludturan o dadalawahing taludtod lamang, dili kaya’y apaludturan o aapating taludtod lamang ang bumubuo sa isang saknong. Bawat taludtod ay may sukat--- may bilang ang pantig na ang hulihan ay magkakasintunog—tugma. Maaari itong pahimig bigkasin o talagang wala.
1) Tugmaang pambata o kasabihan
Bata…batuta Tenga ng kalabaw
daming muta dinapuan ng langaw
Tutubi…tutubi gusto niyong dinggin
Huwag kang magpapahuli aking uulitin…
sa batang mapanghi!
Putak…putak!
Matapang ka’t nasa pugad.
2) Mga tugmaang matatalinghaga
· Mga Bugtong
Binubuo ng isa o dalawang taludtod na maikli na may sukat at tugma. Ang pantig ay maaaring apat o hanggang labindalawa. Ito’y nangangailangan ng kasagutan at nagpapatalas ng isip.
Hal: Lumalakad walang paa Hindi hari, hindi pari
Tumatakbo walang mata. BOLA Suot niya’y sari-sari. SAMPAYAN
· Salawikain
Mga patulang aral o paalaala, malimit ay may sukat at tugma at siyang bukambibig ng mga tao lalo na ng matatanda. Ang mga ito’y matatalinghaga, makinis at di-tiyak na pangaral at paalaala sa mga tao, lalo na sa mga kabataang nakalilimot sa katu tubong magandang asal.
Hal:
Pag hindi ukol Ubus-ubos biyaya
Hindi bubukol bukas nakatunganga
· Bulong
Ito ay may iba’t ibang gamit. Sa pang-engkanto, sa pangkukulam, sa panunumpa, sa paggalang sa mga anito at di- nakikitang ispiritu, sa pagpapagaling sa maysakit.
Hal.
“Nakikiraan lang po, baka kayo mabunggo.”
Tabi… tabi…
Tabi! Makikiraan
Mga bulag kami.
Huwag po kayong lalapit
Baka naming kayo maipit.
3) Mga tugmaang ganap na tula
Tanaga – binubuo ng pitong pantig ang bawat taludtod, may apat na taludtod sa bawat saknong, at ito’y hitik sa talinghaga.
- isang uri ng tulang napakataas sa wikang Tagalog.
Hal.
Baging akong kalakat; agdalita ang niyog
Kaya ako mataas, Huwag kang magpakatayog;
Sa balite kumalat, Kung ang uwang ang umuk-ok
Nakinabang ng taas. Masasaid pati ubod.”
B. Kantahing Bayan
- mga popular na katutubong awiting naririnig nating inaawit sa mga nayon tuwing may okasyong idinaraos
v Mga Kantahing-bayang di-gaanong nagsasalaysay
1. Awit-Pampatulog sa Bata (Hele o Oyayi o Duagya)
Tulog na nga, Nene’t
Hinehele kita
Ipikit mo na nga
Ang dal’wa mong mata
Kanina nga
Na ako’y wala pa
Hinanap mo ako’t
Magpapduyan ka
2. Awit sa Paggawa (Kalusan)
Nonoy upo ka sa bato
Nonoy upo ka sa bato
At hihiluran ko ang likod mo
Ang dumi mo, Nonoy ko
Nakakahiya sa mga tao, Ay!
v Mga Kantahing-bayang Nagsasalaysay
1. Balada
Ano Kaya ‘Yong Nasa Kugon
Ano kaya ‘yong nasa kugon?
Parang ginto kung tingnan
Nang akin nang lapitan
Bulaklak ng baging pala
Nang sa akin nang kukunin
Isang boses ang tumanggi
Huwag ka niyang kukuha
Bulaklak ‘yan ng engkantada.
Ang Panahon ng Kastila
Dalit Ybong Camunti sa Pugad
Marcelo H. del Pilar Phelipe de Jesus
Cung sa langit nabubuhay Ybong camunti sa pugad
Ang sa lupa’y namamatay. sa inang inaalagad
ano’t kinatatacutan ay dili makalipad
ang oras ng camatayan? hangan sa di magcapacpac
Guinto’t pilac sa pucpucan Loob ninyong nasilacho
sa platero’y umiinam, parang ningas alipato.
ng puring lalong maquinang Sa alapaapang tongo
sa pucpuc ay pumupusiao. ay bago hamac sa abo.
Ang Panahon ng Amerikano
Dalit ng ang Ulan
Jose Corazon de Jesus
Ulan! Hala, ulan! Punin mo ang bukid Ulan! Hala, ulan! Ibig kong makitang
Na ang hinihingi’y ang dala mong tubig. Ngumiti sa iyo ang mga sampaga.
Basaon mo kaming darang sa init Ang tuyot na punla’y diligan mo sana
At iyong sabuyan ang ayaw maglinis. At nang ang bayan ko’y guminha-ginhawa.
Ang Panahon ng Hapon
Dalawang Haiku (1943)
Gonzalo K. Flores
1. Tutubi 2. Anyaya
Hila mo’y tabak… Ulilang damo
Ang bulaklak: nanginig! Sa tahimik na ilog…
Sa paglapit mo. Halika, sinta
Ang Panahon ng Republika
Pakikipaniig (1979)
Emelita Perez Baes
Kinapa ng kamay mo ang init ng palad ko
Na sa gabi ng pagtulog ay nakikiramay sa dantay ng halik mo.
Ikaw ay di pangarap ng bungang tulog na inaalagaan ko,
Sa bawat sandali ng pakikipagdaop sa mga mithiing nakatago
Sa pakikiayon ng bawqat tibok ng iyong pulso ay humuhibik
ng luwalhati ang ugat ng pakikiisa.
Nakipagtagisan ng haplos ang damdamin ko sa ayaw
patunaw na mga titig mo.
Ikaw ang bathalang may sinag na tumatagos sa bawat kamalayan ko.
ANG AKING KAIBIGAN
Aking kaibigan sa mahabang panahon ika’y nagbalik
dala ang katawang mahina’t maliit.
Bakit pa kasi pumunta sa lugar na minimithi?
Ngayo’y ika’y salamin ng pusong sawi.
Ako’y pumaroon sa bayang pintakasi
upang ito’y masilayan kahit na sandali
ngunit ang sandali’y naging namalagi.
Naranasan ko ang buhay na kay pait.
Halatang ika’y hindi nakakain ng tamang pagkain
dahil katawan mo’y buto’t balat ang aking napansin.
Kung dito ka sa atin maraming masustansiyang pagkain,
Kahit saan, ang mga ito’y makikita mo sa’tin.
Kaya nga’t anong pagsisi ang aking nadama.
Kung hindi ko pinansin ang aking pagkamangha,
ako na sana’y may katawang masigla
pati puso’t isipan ko’y masaya.
No comments:
Post a Comment