Ang Panahon ng Kastila (1565-1898)
Taong 1521 nang dumating si Ferdinand Magellan sa Homonlon. Nakipag-isandugo siya kay Kolamu, raha ng Butuan, at itinanim niya ang krus sa Masao. Malalim ang naging kahulugan nito sa utak ng mga Pilipino. Ito’y nagsisilbingisang mabigat na pangitain na lalakaring paluhod ng kapilipinuhan ang isang libo’t isang misteryo, na babalingan ng magkabilang pisngi ng kapilipinuhan ang isang libo’t isang milagro.
Nagkatotoo ang mga ito. Nagsimula nang manakot si Legazpinoong 1565. Tumulay sa dalawang panlabas na layuninang pananakop. Una, gamitin ang relihiyon para makapangurakot. Natupad din ang mga ito. Nang mapalaganap ang Kristiyanismo, napuno ang bulsa ng mga kura paroko, nangamkam ng lupa ang mga enkomiyendero, nagkaroon ng mga tinatawag na bastardo. Nang maedukahan ang mga Indio, nagkaroon ng mga tinatawag na Ilustrado, nagging tuso ang gobiyerno, nagutom ang tao.
Siyempre pa, lumago ang panulaanang mga temang pansimbahan, pangkagandang-asal, pang-aliw, at pantakas sa sitwasyong paralitiko. Sinimulan ito ng mga pari. Sinundan ng mga Ladino at maghanggan sa pantasyang mga romantiko na nagpalaganap ng mga awit at korido.
Ang awit, tulad ng BUhay ni Sigesmundo, Doce Pares sa Kaharian ng Francia, Prinsipe Igmidioat Prinsesa Cloriana, Salita sa buhay ni Maria Alimango, atbp; at ang korido, gaya ng Ang Haring Patay, Ibong Adarna, Don Juan Teñoso, Dama Ines, Prinsipe Florino, atbp; mga kasaysayan hango sa mg alamat at epiko ng francia, Italia, Espanya, Gresya, Albania, atbp. Naglalahad ang mga ito ng mga pangyayaring pangkabayanihan, pangkahiwagaan, panromansa na pawing di-kapanipaniwala. Mahahaba ang mga teksto nito. Pakanta kung bigkasin o basahin, naglalayaong mapalaganap ang Katolisismo.
Bagamat magkatulad na magkatulad ang dalawang ito, may mga katangian din naming nagkakaiba:
1) Ang awit ay higit na matayog sa diwa may pagkakataong humhango ito ng pangyayari sa tunay na buhay.
2) Ang talutod ng awit ay may 12 pantig, apat na taludtod sa isang saknong; samantalang ang korido ay may 8 pantig , limang taludtod sa isang saknong.
3) Marahan o andante ang kumpas sa pagkanta ng awit kaya malungkot; samantalang mabilis o alegro ang korido kaya masaya o maindak.
No comments:
Post a Comment