Ang Panahon ng Republika (1946-kasalukuyan)
Masaalimoot na pangyayari ang mga naganap sa panahong ito. Sa simula’y pagtatayong muli ng nawasak na moog. Ang mga salantang nilikha ng digmaan, ang alaala ng mga nasawing mahal sa buhay, ay mga pangitaing nagpapabuntung-hininga. At para mabuhaya, ang piyer ay naging mapangako. Ang mga kabiguan ng pangarap, ang kalupitan ng nagdaang sigwa, at iba pang masasaklap na karanasan, ang namalasak sa katha.
Ang dekad 50 ay nangako ng kasiglahan sa panulaan. Nagkaroon ng mga patimpalak sa pagsulat ng tula at iba pang anyo ng panitikan. Tumaas ang panlasa sa pagsulat ng mga mangangatha. Kabuntot nito ang pagtaas din ng uri ng panitik. Ito’y dahil din sa pag-g-.uukol ng masusing pag-aaral at panuuri ng mga kritiko. Nagging maingat ang paglalahad, nagging lalong makasining. Ang lahat ng ito ay utang sa mga alagad ng wika na walang puknat sa pagpapaunlad ng Wiakng Filipino. Ito’y ang KADIPAN(Kapisanang Akalt, Diwa at Panitik) at ang Gawad Palanca na itinatag ni Don Carlos Palanca, may-ari ng La Tondeña Inkorporada.
Kailanman, ang paksa tungkol sa pag-ibig ay hindi maglalaho sa anumang panulat. Kaakibat nito ang temang pangkaranasan na naglalahad ng matinding damdamintulad ng labis na kalungkutan, pagkapoot na dulot ng buhsy, tao at kalikasan.
Ang dekada 60 naman ay panahon ng pagkabagabag at pagbibinhi ng aktibismo. Ang lipunan ay nagiging marumi at ito’y lantaran nang napapansin ng tao. Magulo ang kapaligiran. Naghahanap ang tao ng kanyang identidadat ito’y makikita sa pagsulpot sa tinatawag na “Hippie,” isang uri ng pagrirebelde ng tao sa kinalakhan niyang kombensyon. Samantala, patuloy ang katiwalian ng gobiyerno na pinaghaharian ng mga “Satanas ng Lupa” na nagpaluklok sa Kongreso at Senado. Maging ang simbahan at relihiyon ay kinapapansinan na rin ng bula. Ang mga tahananay nagkakaroon na rin ng gatla.
Ang dekada 70 naman ay duamting ng tigmak sa dugo. Maraming braso ang nagkawing-kawing. Maraming kamay ang humawak sa pulang plakard. Nauso ang mga barikada. Maraming bumulagtang buhay sa kalsada. Bumaha ang sigaw ng Mendiola. Ang lahat ay dala ng pulitika.
Nang nasa “Mga Kuko ng Liwanag” ang Maynila, ibinaba ang Batas-Militar. Hinablot sa tao ang kanyang karapatan sa “Habeas Corpus’ para iparinig ang mga hinaing sa buhay. Maraming nasilid sa bartolina. Marami ang basta na lamang nawala. At ang pananahimik kunwa ng madla, sa sapilitang pagpaptikom ng bibig ay tinatawag ng Bagong Lipunan, ang Green Revolution na ang kahulugan ay nanghanggan lamang sa harap ng telon sa sinehan ng PICC (Philippine International Convention Center). Hurrah! Sa pelikulang Virgin People ni Celso ad. Castillo.
At lumuha ang mga buwaya…sa din a mapigil na panginginain, sa kahayukan ng dugo…nakuhang pumalag ng masa…at sa Edsa…nagkaisa anglakas ng sambayanan para paalisin ang mga ito sa kati…isang buwan ng Pebrero taong 1986.
No comments:
Post a Comment