MGA TULA SA IBA’T IBANG PANAHON
Ang Matandang Panahon
A. Panugmaang-Bayan
Ang anyo nito ay daludturan o dadalawahing taludtod lamang, dili kaya’y apaludturan o aapating taludtod lamang ang bumubuo sa isang saknong. Bawat taludtod ay may sukat--- may bilang ang pantig na ang hulihan ay magkakasintunog—tugma. Maaari itong pahimig bigkasin o talagang wala.
1) Tugmaang pambata o kasabihan
Bata…batuta Tenga ng kalabaw
daming muta dinapuan ng langaw
Tutubi…tutubi gusto niyong dinggin
Huwag kang magpapahuli aking uulitin…
sa batang mapanghi!
Putak…putak!
Matapang ka’t nasa pugad.
2) Mga tugmaang matatalinghaga
· Mga Bugtong
Binubuo ng isa o dalawang taludtod na maikli na may sukat at tugma. Ang pantig ay maaaring apat o hanggang labindalawa. Ito’y nangangailangan ng kasagutan at nagpapatalas ng isip.
Hal: Lumalakad walang paa Hindi hari, hindi pari
Tumatakbo walang mata. BOLA Suot niya’y sari-sari. SAMPAYAN
· Salawikain
Mga patulang aral o paalaala, malimit ay may sukat at tugma at siyang bukambibig ng mga tao lalo na ng matatanda. Ang mga ito’y matatalinghaga, makinis at di-tiyak na pangaral at paalaala sa mga tao, lalo na sa mga kabataang nakalilimot sa katu tubong magandang asal.
Hal:
Pag hindi ukol Ubus-ubos biyaya
Hindi bubukol bukas nakatunganga
· Bulong
Ito ay may iba’t ibang gamit. Sa pang-engkanto, sa pangkukulam, sa panunumpa, sa paggalang sa mga anito at di- nakikitang ispiritu, sa pagpapagaling sa maysakit.
Hal.
“Nakikiraan lang po, baka kayo mabunggo.”
Tabi… tabi…
Tabi! Makikiraan
Mga bulag kami.
Huwag po kayong lalapit
Baka naming kayo maipit.
3) Mga tugmaang ganap na tula
Tanaga – binubuo ng pitong pantig ang bawat taludtod, may apat na taludtod sa bawat saknong, at ito’y hitik sa talinghaga.
- isang uri ng tulang napakataas sa wikang Tagalog.
Hal.
Baging akong kalakat; agdalita ang niyog
Kaya ako mataas, Huwag kang magpakatayog;
Sa balite kumalat, Kung ang uwang ang umuk-ok
Nakinabang ng taas. Masasaid pati ubod.”
B. Kantahing Bayan
- mga popular na katutubong awiting naririnig nating inaawit sa mga nayon tuwing may okasyong idinaraos
v Mga Kantahing-bayang di-gaanong nagsasalaysay
1. Awit-Pampatulog sa Bata (Hele o Oyayi o Duagya)
Tulog na nga, Nene’t
Hinehele kita
Ipikit mo na nga
Ang dal’wa mong mata
Kanina nga
Na ako’y wala pa
Hinanap mo ako’t
Magpapduyan ka
2. Awit sa Paggawa (Kalusan)
Nonoy upo ka sa bato
Nonoy upo ka sa bato
At hihiluran ko ang likod mo
Ang dumi mo, Nonoy ko
Nakakahiya sa mga tao, Ay!
v Mga Kantahing-bayang Nagsasalaysay
1. Balada
Ano Kaya ‘Yong Nasa Kugon
Ano kaya ‘yong nasa kugon?
Parang ginto kung tingnan
Nang akin nang lapitan
Bulaklak ng baging pala
Nang sa akin nang kukunin
Isang boses ang tumanggi
Huwag ka niyang kukuha
Bulaklak ‘yan ng engkantada.
Ang Panahon ng Kastila
Dalit Ybong Camunti sa Pugad
Marcelo H. del Pilar Phelipe de Jesus
Cung sa langit nabubuhay Ybong camunti sa pugad
Ang sa lupa’y namamatay. sa inang inaalagad
ano’t kinatatacutan ay dili makalipad
ang oras ng camatayan? hangan sa di magcapacpac
Guinto’t pilac sa pucpucan Loob ninyong nasilacho
sa platero’y umiinam, parang ningas alipato.
ng puring lalong maquinang Sa alapaapang tongo
sa pucpuc ay pumupusiao. ay bago hamac sa abo.
Ang Panahon ng Amerikano
Dalit ng ang Ulan
Jose Corazon de Jesus
Ulan! Hala, ulan! Punin mo ang bukid Ulan! Hala, ulan! Ibig kong makitang
Na ang hinihingi’y ang dala mong tubig. Ngumiti sa iyo ang mga sampaga.
Basaon mo kaming darang sa init Ang tuyot na punla’y diligan mo sana
At iyong sabuyan ang ayaw maglinis. At nang ang bayan ko’y guminha-ginhawa.
Ang Panahon ng Hapon
Dalawang Haiku (1943)
Gonzalo K. Flores
1. Tutubi 2. Anyaya
Hila mo’y tabak… Ulilang damo
Ang bulaklak: nanginig! Sa tahimik na ilog…
Sa paglapit mo. Halika, sinta
Ang Panahon ng Republika
Pakikipaniig (1979)
Emelita Perez Baes
Kinapa ng kamay mo ang init ng palad ko
Na sa gabi ng pagtulog ay nakikiramay sa dantay ng halik mo.
Ikaw ay di pangarap ng bungang tulog na inaalagaan ko,
Sa bawat sandali ng pakikipagdaop sa mga mithiing nakatago
Sa pakikiayon ng bawqat tibok ng iyong pulso ay humuhibik
ng luwalhati ang ugat ng pakikiisa.
Nakipagtagisan ng haplos ang damdamin ko sa ayaw
patunaw na mga titig mo.
Ikaw ang bathalang may sinag na tumatagos sa bawat kamalayan ko.
ANG AKING KAIBIGAN
Aking kaibigan sa mahabang panahon ika’y nagbalik
dala ang katawang mahina’t maliit.
Bakit pa kasi pumunta sa lugar na minimithi?
Ngayo’y ika’y salamin ng pusong sawi.
Ako’y pumaroon sa bayang pintakasi
upang ito’y masilayan kahit na sandali
ngunit ang sandali’y naging namalagi.
Naranasan ko ang buhay na kay pait.
Halatang ika’y hindi nakakain ng tamang pagkain
dahil katawan mo’y buto’t balat ang aking napansin.
Kung dito ka sa atin maraming masustansiyang pagkain,
Kahit saan, ang mga ito’y makikita mo sa’tin.
Kaya nga’t anong pagsisi ang aking nadama.
Kung hindi ko pinansin ang aking pagkamangha,
ako na sana’y may katawang masigla
pati puso’t isipan ko’y masaya.
nimal mo!!!! patehh naka ezequeil.....!!!!!
ReplyDelete