Sa-anoy kung tawagin ang panahong ito ng mga taga-Bikol. Anoy na ang ibig sabihin ay anay. Ang anumang bagay, gaya ng isang haliging kahoy, dala ng katagalan o katandaan sa kinatitirikan ay di-maiiwasang pamahayan at kutkutin ng anay, kaya nadudurog, napupulbos at hindi pinagyaman maglalaho ang mga itosa ihip ng hangin. Ganito ang nangyayari sa Panitikang Filpinio sa matandang panahon.
Ito ng panahong ng kapaligiran ng Pilipinas ay nasasaplutan pa ng mahihiyas na kalikasan at nakokoronahan pa ng maguniguning pananaw ng ating mga ninuno. Ito ang panahon noon…noong matagal na matagal pa bago dumating ang mga Kastila… oonng ang langit ayon sa alamat ay mababa pa, noong mga anito at kalikasan pa ang sinasamba, noong ang matulaing kapaligiran ay di pa sinasalanta ng tinatawag ngayyong kabihasnan.
Ito ang panahon ng karunungan o kaalamang-bayan. Ang ating mga ninuno, sa abot ng kanilang mahuna-hunang kaisipan at mapaghulong kakayahan, at sa tulong na rin ng kanilang payak na karanasan sa mga sinauna nilang pakikibakasa buhay, ay natutong bumalangkas ng matibay na pundasyon para sa ikagaganyak, ikapapanatag, ikapapanatili, at ikapapakinabang ng kalahatan. Ito ay pagbibigay-kahulugan, pag-iinterpreta, pagpapaliwanag at pagpapakabuluhan sa lahat ng mga nangyayari o nararanasan sa pang-araw-araw nilang pamumuhay, sa mga pangyayaring nagaganap sa makipot pa nilang daigdig, sa mga bagay-bagay na abot-tanaw lamang nilang nasasaksihan sa kalawakan, sa mga pagbabagong napupuna nila sa kanilang sarili at lipunan. Pinaunlad ng mga ito ang kanilang pamumuhay. Pinalalim ng mga ito ang kanilang pag-iisip at pag-unawa. Hinubog ng mga ito ang kanilang pagkatao. Pinalaganap ng mga ito ang kanilang kultura.
Nagkaroon nga sial ng sapat nakaalaman at nakabuo sila ng tiyak na mapanghahawakang panuntunan sa kanilang sarili at sa kanilang salinlahing noon ay pinagyaman. Ito ay magsisilbing gabay o utos upang kahit papaano ay maging matuwid ang tatahakin nilang kinabukasan. Ang mga napagtibay nilang karunungan o kaalamang ito ay itinadhana nilang kabatiran na tanging ang bayan ang nagmamay-ari at tagapagmana na magpahanggang sa kasalukuyan ay patuloy na pinanununtunan upng lumaganap pa sa mga henerasyong daratal.
Isa sa mga kaalamang-bayang ito na magpahanggang ngayon ay sinisikap na maisalinlahi ay ang panitikan na napapangkat sa tatlong tradisyon. Isa sa mga tradisyong ito ay humitik noonsa pamamagitan ng bibig. Ibig sabihin hindi binubuklat sa mga pahina kundi binabalikang alaala. Sa isang sabi, binibigkas lamang at natutuhan na.
v Ang Tradisyong Patula
Nahahati sa dalawang kategorya ang tradisyong ito: hindi inaawit at inaawit. Ang unang
kategorya ay tinatawag na panugmaang-bayan at ang ikalawa, kantahing-bayan
A. Ang Panugmaang-bayan
Ang anyo nito ay daludturan o dadalawahing taludtod lamang, dili kaya’y apaludturan o aapating taludtod lamang ang bumubuo sa isang saknong. Bawat taludtod ay may sukat--- may bilang ang pantig na ang hulihan ay magkakasintunog---tugma.
Nahahati sa tatlong uri ang kategoryang ito: Tugmaang Walang Diwa oTugmaang Pambata, Tugmaang Matatalinghaga, at Tugmaang Ganap na Tula.
1. Ang mga Tugmaang Walang Diwa o Tugmaang Pambata
Sinasabing ito ang pinagmulan o pinag-ugatan ng tula. Ang mga salita ay tila larong-bibig na pangkasanayan ng mga bata sa pagsasalita. Maririkit ang pananalitang ginagamit sa payak nitong kaanyuang sukat at tugma. Lamang tila ba gahol ito sa kahulugan. Walang talinghaga. Basta bukambibig magpahanggang sa ngayon. Kung hindi naman, nagtataglay ng kahulugan kaya lang mababaw. Maririninig natin ito kapag ang isang ina ay naaaliw sa kanyang paslit at palagian sa mga batang naglalaro sa bakuran o sa daan. Layunin marahil sa bagay na ito ang mga sumusunod: pampatuwid ng dila nang ang bata ay di-mautal pag nagsasalita; panunudyo ng mga nagkakapikunang bata sa laro; pang-alo sa nagmamaktol na paslit; at pansabi-sabi sa mga nagmamasid sa kapaligiran.
Ang mga tugmang pambatang ito ay tinatawag ding
kasabihan, sa Ingles, Mother Goose Rhyme. Kaya huwag natin itong
ipagkamali sa salawikain o sabi-sabi, dahil iba naman ang
ipinakakahulugan nito.
2. Ang mga Tugmaang Matatalinghaga
Sinasabi sa Landasin sa Panulaang Tagalog (Pamana ng Panitikang Filipino) na ang panulaang Filipino ay nagsisimula sa anyo ng bugtong, salawikain, at iba pang awiting bayan na sa kalikasan at sa buhay sa araw-araw humango ng mga paksain. (Arrogante et. al, 1983) Maiikli lamang ang mga ito, madadalumat at matatalinghaga. Tulad na lamang ng sawiakin na mga parirala pero naglalarawan na at naglalahad ng kahulugan. Ang mga bugtung, salawikain, at sai-sabi, at sabi-sabi pa kaya na mga ganap na pangungusap at nagtataglay ng buong kaisipan ang hindi magtaglay ng higit na mas malalim na kahulugan? Ang mga bugtong ay karaniwan nang daludturan, magkaminsan ay apaludturan. Gayundin ang mga salawikain at abi-sabi. At kapag may paglalarawan, may imaheng nakikita. Madalumat ang tawag ditto. At kapag sa larawang ito ay may nahuhulong hunahuna at may nasasmbot na kahulugan at kabuluhan, matatawag itong matalinhaga. Talinhaga na kung tawagin noon ng mga mananaliksik na Kastila ay misterio at matafora. Sa mga panugmaang ito, nasasalamin na tunay na mga saloobin at kaisipan ng mga ninunong Pilipino
3. Ang mga Tugmang Ganap na Tula
Sa uring ito nabibilang ang Tanaga ng Katagalugan at ang Ambahan ng mag Hanunuo Mangyan ng Mindoro. Sa pagkakahulugan ni Juan de Noceda at Pedro San Lucar sa Vocabulario de la Lengua Tagala, ang tanaga 1) isang uri ng tulang nakapataas sa wikang Tagalog, na 2) binubuo ng pitong pantig ang bawat taludtod, 3) may apat na taludtod sa bawat saknong, at 4) ito’y hitik sa talinghaga (Arrogante, et al., 1983)
Samantalang ang ambahan naman, ayon sat ala ni Padre Antonio Postma, ay 1) isang maritmo o maindayog na patulang pagpapahayag na may sukat at may bilang na pitong pantig ang bawat taludtod na may tugma; 2)ito’y isinasaawit nang walang tiyak na tono o akompanya ng anumang instromentong pangmusika; at 3) ito’y naglalayong makapagpapahayag sa matatalinhagang paraan sa malayang paggamit ng matutulaing pananalita, ng mga katangi-tanging kalagayang tinutula ng makata.
B. Ang Kantahing-bayan
Ang mga popular na katutubong awiting naririnig nating inaawit sa mga nayon tuwing may okasyong idnaraos, tulad ng kasalan, pagpapatanim, paglalamay sa patay, atbp. Wala itong ipinagkaiba sa tula dahil kung ito’y susuriin, may sukat ito’t tugma, lamang isinasatinig o isinatono,
May dalawang uri ng kantahing-bayan: kantahing bayang di-gaanong nagsasalaysay at kantahing bayang nagsasalaysay. Sa unang uri, mapupunang ito’y maiikli lamang, karaniwan ang mga ito’y naglalarawan lamang ng mga pang-araw-araw na sitwasyon o okupasyon n gating mga ninuno.
Nabibilang sa hating ito ang mga sumusunod:
1) Oyayi o hele o duayya sa Ilokano - ito ang awit sa pagpapatulog ng bata. Malambing ang himig nitong monotono at maulit ang lirik subalit makahuludan.
2) Kalusan - Ang awit sa paggawa. Maaaring awitin ito habang nagtatrabaho o kaya pagkatapos ng trabaho. Sa pamamangka, ito’y tinatawag na talindaw at habang nagsasagwan, ang awit ay tinatawag na soliranin.
3) Kundiman - ito ang awit ng pag-ibig. Noong araw uso ang harana, ang mga awit na kinakanta ng binatang nanunuyo sa dalagang sinisinta. Kung minsan punung-puno ang awit ng pangarap at minsan nama’y walang kasing lungkot dahil sa binatang di agad natutugon ang pag-ibig ba idinudulog, o kaya’y kapag nasisisphayo. Maraming uri ng pag-ibi ang maaaring paksain ng kundiman. Pag-ibig sa Diyos, sa bayan, sa mga magulang, sa kapatid, sa kapwa maging sa kaaway, sa gawain, sa halaman at sa kung saan pang iba. Sa Ilokano, kung tawagin ito ay Pamulinawen, sa Bisaya ay Balitaw, sa Negrito ay Uso.
4) Diona – ito ang awit sa kasal.
5) Kumintang o Tikam o Hiliraw o Tagumpay – ito ang awit na pandigma. Inaawit ito sa gabi sa saliw ng biyolin at gitara. (Cuasay, 1973) ibinibilang din itong isang uri ng kundiman na nagpapahayag ng pag-ibig sa bayan.
6) Dalit o Himno – ito ang awit sa pagsamba sa mga anito. Ngayon kilala na ito bilang mga awiting panrelihiyon.
7) Dung-aw – ang awit sa patay o pagdadalamhati. Habang nakaburol ang patay, isa sa mga mahal nito sa buhay ang maaaring umawit para purihin ang namatay. Iniisa-isa rito nag mga nagawa nitong kabutihan noong nabubuhay pa. karaniwang pagtawag kung ito’y aawitin dahil parang buhay pa itong kinakausap. Ang himig nito’y nakalulunos dahil sa sobrang panglaw ng panambitan. Ayon kay Jose Villa Panganiban, ito’y walang tiyak ng lirik sapagkat ang awit ay iniaayon s kasalukuyang damdamin ng umaawit.
8) Umbay – ang awit ng pagkaulila. Ang himig at tema nito ay nagpapaawa sa kawalan ng nagmamahala o kumukupkop na magulang.
9) Kutangkutang o Rawitdawit sa Kabikulan– ang awit ng mga lasing oi awit sa lansangan na naglalayong magpatawa, magpasaring o manudyo. Ang tono ay luma pero ang lirik ay panagu-bagoayon sa hinihingi ng pagkakataon. Marami sa awiting ito ay may bahid- berde o patungkol sa seks namaaaring isipin ng konserbatibong tagapakinig na malaswa.
10) Ditso - ang awit sa paglalaro ng mga bata. Mga kasabihan itong isinasatono ng malalarong bata.
Ilan lamang ito sa mga kilalang katawagan ng mga uri ng kantahing-bayan. Ang ikalawang uri ay mapupunang mahaba-haba o sadyang may kahabaan na talaga. Maaaring isang pangyayari lamang ang tinunton ng awit o maaari rin namang kawing-kawing. Sa una nabibilang ang mga balada, sa ikalawa, ang epiko. Madetalye ang pagkakakuwento sa mga ito at likas na nagbibigay-aral, kaya madula’t malaman. Maaaring ito’y tungkol sa isang karaniwang tao lamang o maaari rin namang tungkol sa isang katutubong bayani.
Epiko – ito ay isang mahabang salaysay sa anyong patula na maaaring awitin o isatono. Ito ay hango sa pasalindilang tradisyon tungkol sa mga pangyayaring supernatural o kabayanihanat may layuning seryoso dahil kinapapalooban ito o pinahahalagahan ditto ang mga paniniwala, kaugalian saloobin, at mga mithiin sa buhay ng mga tao. (Dr. Arsenio Manuel, 1963)
Very Resourceful....
ReplyDeleteTiming for my Filipino Assignment ...
Thank You very much... :)