Friday, October 8, 2010

Ang Panahon ng Hapon (1942-1945)

Ang Panahon ng Hapon (1942-1945)
            Masaklap ang buhay sa panahong ito. Gutom at kawalang –katiyakan sa buhay o kawalang pag-asa sa kinabukasan ang namayaning kalagayan at damdamin. Dumagsa ang mga manunulat masahiran lamang ng mainit at masarap na sabaw ang lalamunan.
            Namulaklak ang panitikang Tagalog s autos ng Hapon na gagamitin ang sariling wika sa panulat. Ang buhay-lungsod ay nabawasan para di-makasaling ng amor propio ng mga Hapon, at pawang kahirapan at kaapihan ang mababalingan. Tumakas ang panulat sa nayon, nagging katutubo ang kulay. Nagkaroon ng puwang sa papel ang kalabaw, ang bukid, ang magsasaka. Anupat gipit man ang kalagayan, ang pag-obig ay naging nasa isip. Dili kaya ay magbalik sa pagkabata, sa kamusmusan bilang pagtakas sa realidad. Hindi rin nawalang tema ang pagkamakabayan. Siyempre, lagging may gerilya sa bawat digmaan.
            Sa panahong ito, natuto ring Gagarin ng mga manunulat ang Haiku ng mga Hapon. Maiikling tulang labimpituhing pantig lamang at binubuo ng tatlong taludtod. Ang unang taludtod ay lima, ang gitna ay pito, at ang huli ay lima rin. Ang kagandahan ng uri ng tulang itoay nakasasalalay sa mga ipinahihiwatig na imahen nito at sa malalim na kahulugangtaglay ng talinghaga.
Haiku sa ikli. Lamang aapating taludturan ang mga ito. Ang bawat taludtod ay binubuo ng tigpipitong pantig. Ito’y ubod din ng talinghaga.

No comments:

Post a Comment